Mount Pundaquit to Anawangin Cove
Quick Facts
Coordinates: (summit) 14°53'45 N, 120°4'16 E
: (cove) 14°52.830 N, 120°04.183 E
Location: San Antonio, Zambales
Jump Off: Barangay Pundaquit
Elevation: 464 masl
Estimated Trek Time: (traverse to cove) 4-5 hours
* Regular beach-goers may take a boat ride from Barangay Pundaquit to the Anawangin Cove. A favorite mountaineering adventure though is to trek up Mount Pundaquit and descend to the beach of Anawangin.
* Wild carabaos roam freely around the mountain (and we're lucky to encounter some!).
* The locals try to preserve the cove to its natural state but as of late it's fast becoming a famous travel spot that basic amenities are beginning to be available on the beach premise itself.
*****
Trek Date: April 18 - 19, 2009
We were supposed to hike the Tarak Ridge in Bataan, me and 5 of my friends. But a very last minute decision made me call to join another team of hikers that will traverse Mount Pundaquit going to the beach of Anawangin. So we boost our numbers to 13. With a bonus beach outing to boot!
Attendance
Team Carl: Carl, Junathan (Assunta), Belen, Tin, Jas, Say, PJ
Team Obi: Obi, Mher, Roy, Johann, Jops, Lou
So with a folded scratch paper and pen in tow, I braved the uber-heatwave that day together with the gang.
*****
(Entries are lifted from my notes in verbatim.)
Day 1 - Fold 1
Saturday
* 3:00AM - Bye house!
- The team texted that they're on their way too to the terminal (5-Star in Cubao).
(Ang aga ng call-time... lekat.)
* 3:58 - Magkakasama na kami ng grupo ko (Lou, Roy, Jops, Johann).
- Lekat ka Mher... kala ko ba 3:30??
* 5:02 - boarded bus in Victory Liner heading to Olongapo
(Yes... tumawid pa kami papuntang Victory Liner. Long story... but to cut it short, we only met in 5-Star because that's where we were supposed to ride if we pushed through going to Tarak Ridge.)
* 6:07 - Woke up (Guagua, Pampanga)
* 6:31 - Stopover (Victory Liner, somewhere in Pampanga)
(Hindi na ako bumaba sa sobrang antok. Bawi na lang ng tulog!)
* 7:56AM - arrival in Victory Liner - Olongapo
* 8:10 - connecting ride to San Antonio
(Yung may karatulang "Sta. Cruz" ang sinakyan naming ordinary bus. Words of Wisdom: Sa kaliwang bahagi ng bus sumakay. Nasa kanang bahagi ang araw. Sayang ang metathione! Hahaha.)
* 9:15 - arrival at the San Antonio City Hall
* 9:32 - chicha sa carinderia
(Kumain muna kami sa isang malapit na carinderia habang yung iba namalengke na ng mga additional na kekelanganin sa camping. Ansarap ng dinuguan!)
* 10:20 - resume trip
(Nag trike kami papuntang Barangay Pundaquit. Nasa likod banda ng City Hall yung tricycle station at 90 pesos papuntang Barangay Pundaquit.)
* 10:42AM - arrival in Pundaquit Jump Off
(Marami na kaming nakakasalubong na beach-goers. Eto yung mga magbabangka papuntang Anawangin. Meron kaming mga nakasalubong na parang Hagibis... complete with cowboy hats at Rayban shades. Hahaha! Katawan... katawan... katawan... oooohhhh katawaaaaan!)
(May unggoy dun sa tinuluyan naming resort. Dito sa resort kami nakipag "deal" sa guide namin at sa susundo sa amin kinabukasan. Alam ni Mher yung trail at hindi na dapat namin kelangan ng guide pero para makatulong na din sa kabuhayan ng mga taga rito, ipagdadamot mo pa ba ang ilang daang piso? Naks! Humanitarian!)
* 11:06 - start trek
(Pag tapos magpahid ng mga kung ano ano sa katawan, inumpisahan na namin ang paglalakbay. Sabi ko sa grupo ko, madali lang ang akyat. Sa gilid lang tayo ng bundok dadaan. Naniwala naman sila. Bwahahaha!)
* 11:35 - 1st stopover, Jelly Ace break
(Namahagi si Belen ng Jelly Ace! Hindi pa kami nag uumpisang "umakyat" neto. Binabagtas pa lang namin ang lahar field papunta sa paanan ng bundok. Soooobrang init! Open land siya, walang masyadong puno.)
* 11:46 - 2nd stopover
Day 1 - Fold 2
* 12:06 - 3rd stopover
(Eto start na ng totoong trek. Umakyat na kami ng bundok neto. Nakakita si Lou ng "tungkod" na kawayan. Naiinggit ako, kaya nag hanap din ako ng sarili kong tungkod. Nice, Moses.)
* 12:19PM - 4th stopover
* 1:10 - 5th stopover
* 1:26 - 6th stopover
* 1:57 - 7th stopover to regroup
(Eto na... nararamdaman na namin ang init! Etong mga stopovers na ito ay dahil sooobrang init na, wala nang masyadong puno na matigilan, AT eto na yung part na ASCENT. Nagrereklamo na ang grupo... "Obi, kala ko ba walang pataas!". Ahahaha! "I lied!". Si Carl at Mher steady pace lang kaya naiwan ng grupo. Kala namin nawawala na kami, yun pala nagpahinga din yung mga grupong nauna sa amin. So to regroup, I asked the first group to stay put while me, Roy, and Johann waited for carl and Mher... under the sun!)
(Dito na din namin nakita yung mga wild na kalabaw. Isang grupo sila. Nakatitig sila sa amin, habang nakatitig kami sa kanila. Titigan kami! Hahaha. Tumayo ako sa harap nila sabay pagaspas ng aking tungkod sabay sambit, "WE COME IN PEACE!" Hahaha!)
* 2:09 - Regroup for photo ops
(Pektyur pektyur... magkakasama na ulit kaming labing tatlo matapos mahiwalay dun sa part na steep na yung akyat.)
* 2:54PM - summit ridge!
- Anawangin Cove is in sight
(Sa wakas! Ang ganda ng view ng Anawangin beach from this point of view. So picture picture kami ulet ng malupet.)
* 3:13 - descent to Anawangin
(Pababa naman! Akala nila tapos na ang dusa. Sabi ko sa kanila, don't take it lightly. Minsan mas mahirap ang pababa kesa sa pataas. Masakit sa calf maskels ang pumepreno ng may dalang mabigat na backpack!)
* 4:06 - 1st stopover after descent
- I ran out of water!
- Globe is being a f#$%... may signal ako pero hindi maka-send ng text!
(Naubusan ako ng tubig!! First time nangyari sa akin sa trek na puno ang bladder ko [2.5 liters] at naubusan ako ng tubig sa loob lang ng limang oras! Ganyan kainit. Nag umpisa na din maubusan ng tubig yung mga kagrupo ko. Lekat ang Globe. Bumigay na yung ancient kong simcard.)
* 4:39 - entrance to Anawangin Cove
(Sa wakaaaaas!!! Malapit na kami sa cove. So pektyur pektyur ulet!!)
* 4:51 - Anawangin's Tent City!
(Nagulat kami sa soooobrang dami ng tent. Alam ko na kapag summer sobrang dami ng pumupunta dito pero hindi ko akalain na GANUN kadami. Grabe... parang palengke! Hahaha! Uh well...)
* 5:24PM - tent pitched
(Naitayo ko na tent ko. Kami ni Johann at Lou ang magsasalo dito habang sa kabilang tent si Jops at Roy. Mga limang tent kami in all.)
* 5:32 - run to the beach!!!
(Waaaah.... beach time! Andamiiiing taooooo... pero ok lang. Dami ding naka bikini! Wiiiiweeet!)
* 7:41 - banlaw sa poso
- dinner time
- inuman time
(Anlakas ng alon! Ang sarap magpahampas sa alon tapos tangay-tangay ka papuntang pampang tas pag tayo mo kita na yung mga 1-2 inches ng butt crack mo at punong-puno ng buhangin. Wahahaha! Laugh trip. Ako mismo, pag hampas sa kin ng alon at habang umiikot ako sa ilalim ng tubig papuntang pampang hawak ko ang boardshorts ko. Hehe!)
(May poso na sa Anawangin! Dun kami nag banlaw... habang sa kabilang poso ay parang may FHM shoot. Tuwang tuwa si Roy... ay, si Johann pala... ay, si Jops pala... ay, kami palang lahat. Punong puno ng buhangin yung sahig ng briefs ko. Lekat. Kumain na kami dinner pagkatapos. Adobong manok ang binitbit ko tas may adobong manok din ang kabilang grupo. Pero ang pinaka panalo eh yung igado ni Jops. Swabe! Desert namin ay yung tunaw na Flat Tops ni Johann.)
Day 1 - Fold 3
* 9:30 - sleeping time
(Marami pa nanyari bago kami matulog. Naghanap kami (ako, Roy, Johann) ng signal para sa Globe at Smart. Inikot namin buong pampang ng Anawangin in vain! Wala kahit isang bar ng lekat na signal. Bigo. Sawi. Kaya naghalo-halo na lang kami dahil matindi na ang cravings ko sa halo-halo. Trenta isang baso! Tsk tsk. Uh well...)
(Pagbalik sa tent city, naglalaklakan na yung kabilang grupo. Shot lang kami ng konti tas sibat na agad kami para matulog. Gainet!!)
Day 2 - Fold 3
Sunday
* 7:22AM - woke up
(Nagising ako sa inet!! Lintek. Walang pumapasok na hangin sa tent namin.)
* 7:50 - breakfast!
(Noodles at tinapay.)
* 8:37 - ice cream break c/o Manong
- tambay talks
(Umupo kami sa malaking punso sa likod ng tent namin at nagkwentuhan habang nanonood ng naliligo sa poso... este ng mga naliligo sa beach. Saktong may dumaan na naglalako ng ice drops. Panalo!)
* 9:41 - lunch?
(Ang aga naman ng lunch. Nagluto si Mher ng tuyo tsaka nagbukas ng tuna at iba pang natirang pagkain from last night.)
* 9:50 - ikot ikot!
(Naglakwatsa kami around Anawangin. May maliit na inlet o ilog sa likod ng campsite. Lumublob kami dun para makarating sa kabilang side ng mga campers. Hindi ko alam kung bakit namin ginawa yun eh pwede naman maglakad sa side ng beach para marating yung same spot ng tuyo. Lakas trip lang.)
* 12:40PM - 2nd round ng halo-halo!
- swimming time!
(Naghalo-halo ulet kami. Dinramahan ko pa si Manang kasi bente na lang ang dala kong pera. Sabi ko bigyan ako ng halagang bente lang. Nahabag naman sa akin ang matanda at binigyan ako ng halo-halo na parang halagang trenta pa din. So natuwa naman ako. Akala ko naisahan ko siya. Yun pala sa San Antonio, kinse lang ang halo-halo... doble pa ang laki kesa sa halo-halong tinira namin. Hahaha. Tubong lugaw pa din pala siya nung lagay na yun.)
* 12:52 - break camp
(Tupi tupi na ng tent at nag-ayos ng mga gamit.)
Day 2 - Fold 4
* 1:59 - waiting for Mang Mario the Bankero
(Hinihintay na namin si Mang Mario at ang bangkang susundo sa amin pabalik ng Pundaquit.)
* 2:08 - The "Carmelita" Incident
(Carmelita ang pangalan ng bangka ni Mang Mario. Ala-una niya dapat kami susunduin pero dahil nakatulog, alas dos na siya dumating. Ang malupet neto, may makulit na epal na nagtatalak dun sa pampang. Ang akala niya inunahan namin sila sa bangka kaya nagwawala. Alas dos daw ang sched nila pero hindi nila alam na mas una pa kami sa kanila dapat. So ayun, buong pagmamalaki niyang sinisigaw na sa halagang dalawang libo magbabayad siya pasakayin lang sila ng bangka ora-orada. Ayun awa ng Diyos, walang bangkerong pumansin sa kanya. Hahaha! Hambog kasi.)
(Naiwan kaming apat ni Lou, Roy, at Jops. Ambigat na kasi ng Carmelita. Sa ibang bangka kami pinasakay... mas maliit at mas mukang kakarag-karag. Pero gabilis! Naunahan pa namin ang Carmelita kahit nauna silang umalis ng Anawangin by several minutes ahead of us. Ang makulit nun, nabasa kaming apat sa sobrang bilis. Siga ata sa drag racing ng bangka yung bangkero namin.)
* 2:36 - Pundaquit beach
(Bumaba kami sa beach front ng Pundaquit pero aaaaang layo pa ng nilakad namin pabalik dun sa resort na pinag-umpisahan namin the day before. Parang nag trek lang ulit sa ilalim ng araw.)
* 2:43PM - resort na may unggoy
(Nasa resort na ulit kami na may unggoy. May signal na sa wakas!)
* 3:13 - trike to San Antonio City Hall
* 5:06 - carinderia time
- ride bus going back to Olongapo
(Pagdating sa San Antonio, chicha agad kami sa carinderia habang pinanood ang laban ng boxing ni Donaire. Astig ng pagkapanalo niya! Igado ulit ang inulam ko. Hangover ng igado ni Jops. Pagtapos nun sinabayan ko ulit ng halo-halo. Dito ko nga nalaman na kinsa lang ang halo-halo sa kabayanan.)
(After neto, nag abang na kami ng bus pabalik ng Olongapo.)
Day 2 - Page 5
* 6:22 - nag-iintay ng bus papuntang Cubao (Victory Liner - Olongapo)
- bumili ng pasalubong (orange)
(Naubusan ng bus ang Victory dahil sa dami ng taong umuuwi so nakatambay lang kami sa isang sulok ng istasyon at kung ano ano nang raket ang ginawa namin. Nag fishbol, bumili ng pasalubong, nag withdraw dahil wala nang mga pera, at kwentuhang malupet. Habang hinihintay magkaron ng available na bus.)
* 7:02 - nakasakay sa wakas!
(May dumating nang bus.)
* 10:20PM - tollgate (NLEX)
* 11:09 - arrival at Victory Liner - Cubao
(Anlakas ng ulaaaan!!!)
* 11:46 - tambay sa Goto King
(Nagpalipas kami ng ulan sa Goto King. Lamon muna kaming katakot-takot!)
* 12:27 - homebound
(Tumigil na ang ulan at nagkanya-kanya na kami ng uwi.)
Day 3
Monday
* 1:02AM - home sweet house!
*****
Acknowledgement...
Bro God!
(Thanks Bro! It was another safe and makulet na trek for us to experience! Thanks for the blessing of food, friends, and the opportunity to take part in this event. You're the bestest!)
Team Carl
(Thanks kay Carl and the rest of his gang for letting us tag along! Good times!)
Mher
(Salamat sa pag-sama, bro! Di ko alam kung ano manyayari sa amin kung tumuloy kami ng Tarak, hahaha! See you more in future treks ng AIM. Big up!)
Mommy Groovy ang Tita Angie
(Sarap ng adobo... as usual!)
Mang Mario, our guide, and "Carmelita"
(Ang aming "events organizer"... hahaha! Panalo. Napakanta ako ng... "Let me love you, Carmelita! Let me kiss and hold you tight!" Hahaha!)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home