Mount Pulag - Day 2
Day 2 of Team AIM's Mount Pulag expedition...
Ang nakaraan...
Sasapit ang kaarawan ng ating bidang si Obi (hindi tunay na pangalan). Naisipan niyang mamundok kasama ang mga piling kaibigan. Pinag-usapan ang dapat pag-usapan at pinag-kwentuhan ang dapat pag-kwentuhan hanggang sa mabuo ang mga plano... "AAKYAT TAYO SA BUNDOK NG PULAG"! Kasama sina Lakay (hindi tunay na pangalan) at Jessiemer (tunay na pangalan), naka-uto sila ng labing-lima pang tao para sumama sa paglalakbay!
Pag sapit ng ika-dalawanpu't walo ng Pebrero, tumulak ang grupo patungong Baguio sa harap ng kaguluhan ng piyesta ng Panagbenga at narating ang liblib na lugar ng Kabayan, Benguet. Dito sinimulan ng mga walang magawa sa buhay ang paglalakad patungong tuktok ng Bundok Pulag. Sa unang gabi ng kanilang paglalakbay, naranasan nila ang hirap, pagod, gutom, at utot ni Mher at Lu (hindi tunay na mga pangalan).
Tatagal pa kaya ang grupo para sa isa pang araw ng pananatili sa bundok?
Mararating kaya nila ang tuktok na hinahanap?
Mamimigay kaya si Gelo ng Speeem Senwhiiich (Spam Sandwich)?
Sino kaya ang makakatuluyan ni Bok... si Kim Chiu o ang bestfriend niyang si Gerald Anderson?
Abangan hanggang sa susunod na kabanata ng...
"KAPAG HANGIN ANG ITINANIM!"
*****
Sa pagpapatuloy...
Day 2 - Page 7
Sunday
* 2:42AM - wake up
- assault preparation
(Ang aga ko nagising. Bad trip. Aaaaang lamig lamig! Tagos laman! Pinilit kong bumangon para mag-ayos na ng gamit para sa assault papuntang Pulag summit. Lekat talaga si Eva, pang tatlong tao ang sinakop sa tent. Sa ibang mga tent, maingay na ang grupo ni Lou at Gelo. Utot na naman ata ang pinag-uusapan nila.)
* 3:15 - I'm prepped up
(I'm good to go. Sandamakmak na ang tinapal ko sa sarili ko para hindi maramdaman ang lamig. Here's what I wore and brought up to the summit that day...
~ 2 layers synthetic shirts
~ woolen jacket
~ windbreaker
~ layered hiking shorts
~ hiking pants
~ 2 layers socks
~ violet bonnet (kelangang sabihing VIOLET)
~ shemagh (yeah... that cultural scarf na ginagawang fashion statement ng mga bading)
~ boonie hat
~ gloves
My assault bag contents:
~ raisins
~ water bladder
~ pen and paper
~ mobile phone (ni Eva!)
~ headlamp
Day 2 - Page 8
* 4:01 - assault starts
(The group left the camp at exactly 4AM. Malabong kayanin ni Eva yung lamig kaya nag-paiwan na lang siya sa campsite. 17 kaming umakyat patungong summit. ANLAMIG! Can't state that any less. O.A. talaga sa lamig!)
* 4:32 - 1.5KM mark
- "pusakal" following us
(We reached the 1.5KM mark, meaning we're just a kilometer and a half to the highest peak of the mountain. There are lots of sub-peaks around the perimeter at this altitude and the infamous dwarf bamboos are endemic already around the area. May pusakal [pusang kalye] na sumabay samin sa pag-akyat sa peak. Habang pagod na pagod kami, yung pusa eh walang ka-effort effort na sumuot suot sa pagitan ng prusisyon namin.)
* 4:41 - Stopover (Overlooking Baguio)
(Madilim pa din nung una kaming tumigil. Kitang kita from up there yung mga ilaw ng Baguio. Parang nasa Antipolo ka lang overlooking Manila kaso mas malamig by 10 times.)
* 5:01AM - may signal ang Globe!!!
* 5:14 - several summits in sight
- Grassland summit ang target
(More sub-peaks in sight. Kita na at this altitude yung outline ng buong Cordillera Mountain Range. Sayang talaga hindi ako masyadong nakapag-research about the other significant mountain peaks visible from Pulag. Mas maangas yun if I can turn in directions and point out that this is the summit of blah blah blah.)
Day 2 - Page 9
* 5:34 - summit! (7 Centigrade)
(Victory! We reached the Pulag peak! Tinanong ko ang hightech na relo ni Danilo at ang sabi we're currently at 7 degrees Celsius. Ang angas! Matapos ang walang humpay na photo ops, siksikan kaming lahat sa mga dwarf bamboos habang hinihintay yung sunrise. Yung mga kasama naming photographer nagkanya-kanyang setup na ng tripod sa mga strategic locations.)
(May dumating na bagong grupo kasunod namin. Ang lupit ng mga attire nila, nakaka-lalake! May naka shirts at pants lang habang yung mga babae parang naka-daster na tela lang. Samantalang kami kulang na lang mag broke-bakan para makahanap ng init! Para lang silang nag wo-walk in the park. Asar eh.)
(Behind us is the infamous Akiki Trail. Bulletday [balang-araw], I'll be able to traverse that path too. Konting praktis pa at more mountain experience. PLUS sisiguraduhin ko na may thermal jacket na ko pag balik ko sa Pulag!)
* 6:29 - Team O goes down to Camp 2
(Di na yata kaya ng grupo ko yung lamig. Isa isa nang nagyaya bumaba pabalik sa campsite. So nagpaalam kami sa Team M at nauna nang bumaba. Kasabay pa din namin yung pusakal.)
* 7:17 - 1.5KM mark
- running downslope with Johann
(We're back at the 1.5KM mark! Sinubukan namin tumakbo ni Johann pababa sa isang slope. Ang angas ng pakiramdam! Parang isang maling tapak lang eh tilapon at gulong na kami to Kingdom-come! Tsaka sarap ng momentum... ambilis! Photo ops na din kami ng sandamakmak along the way back to the camp. Not far from the summit inabot na kami ng Team M dahil sa kaka-posing namin.)
* 7:35AM - back to campsite 2
(Inabot namin si Eva na tulog pa din at naghihilik. Bida ka na namang lekat ka!)
* 7:55 - breakfast preps
(Menu of the Day: itlog, tuna, papaitan, kilawin, corned beef, noodles, at half-cooked rice. Yum yum!)
* 8:56 - break camp
(Cleaning of the campsite and packing up everything. Pinaka-ayokong part ng trekking ang mag pack-up ng tent. Dammit.)
* 10:21 - packed up and ready to go
- my tent is a shit to fix
(As if hindi pa kulang na kamuhian ko ang mag pack ng tent, hindi pa nakisama ang tent ko. Dahil siguro bago, lekat sa hirap itupi. Naka ilang re-rolls kami bago ko pa naayos. Hagya ko nang naisaksak sa carry case niya.)
Day 2 - Page 10
* 10:30 - bye Campsite 2
(Start trekking down. Sweeper position na naman ako. Hay, buhay!)
* 11:07AM - music in I-pod: "Hate that I Love You So" by Rihanna and Chris "beat-her-up" Brown
* 11:23 - sumama mood ko dito
(Hindi ko alam kung baket.)
* 11:27 - Camp 1 stopover
- chocnut break
(Thanks sa chocnut Dric!)
* 11:40 - resume trek
* 12:27 - Ranger Station
(According to a Manong at the Ranger Station, the trek from that point up to the summit is at least 2500 meters above sea level. Mataas na din, in fairness.)
* 1:20PM - bye Ranger Station
(Paid 1.1K for each guide. Dinagdagan na lang namin. Ambait naman ni Manang at Manong.)
Day 2 - Page 11
May utang ka spaghetti kay Piglet!!
(Walang kinalaman sa trek. Gusto ko lang isulat para maalala.)
* 2:56 - DENR ulit
- buy tshirt
(Back at the DENR station, naligo yung iba sa amin. Bumili na din ako ng "I survived Pulag" na tshirt para souvenir. Nag-alay din ako ng calling card sa memorabilia wall nila. Habang ang iba naman bumili ng chicha sa kalapit na tindahan.)
(Nag hingian na din kami ng mga kontak numbers at email. Isinulat ko sa Multiply ng Team AIM yung mga kontak namin.)
http://akyatitmountaineers.multiply.com/
Day 2 - Page 12
* 3:31 - bye DENR
* 4:37 - Pingkan Jo Eatery
* 4:47 - resume trip back to Baguio
* 5:41PM - Baguio!
(Ang traaaaaaffic! Dahil sa Panagbenga, andaming sasakyan.)
* 6:01 - Good Taste Resto
(Ay grabeng LAMON ang ginawa namin dito. Sulit tong resto na ito. Price range is around 110-150 only but the serving size is REALLY gynormous and sulit sa sarap for its size! Lekat. can't describe it. Basta must-visit ito when you're in Baguio. What's weird is that I was always in Baguio. Wala atang taon na hindi ako umaakyat ng Baguio. Pero hindi ko alam itong kainan na to, and they've been there for a long time already.)
Grub List (for Obi, Eva, Johann pa lang!)
- Fried Rice for 6
- Lechon Chopsuey
- Beef Broccolli (Brocolli? Broccoli? Whatever!)
- Miswa with Wual Eggs
(Dito na din kami nag koleksiyon ng kontribusyon. Ang mura ng trip namin in fairness. Parang lumalabas wala pang 2.5K ang gastos namin all-in-all. Very tipid trip I must say.)
* 7:10 - bye Good Taste
(Hinatid na kami ni Manong Driver sa Victory Liner.)
* 7:40 - Victory Liner, Baguio
(Bid goodbye to Manong Driver na binigyan namin ng 9.4K, may pasobra ulit para sa isang malupet na tip. Dahil sobrang bugbog yung pink nyang jeep sa pag-akyat at baba ng Ranger Station. Good job!)
Day 2 - Page 13
* 7:57 - bus now
(Nakasakay na kami. Ansarap nang nakapag reserve ng tickets. Andaaaming chance passengers dahil sa Panagbenga!)
* 8:13PM - bye Baguio, hello Nyunyu Land! Zzzz!!!
* 9:48 - Sison stopover
(Pangasinan)
* 1:28 - Victory Liner, Cubao
(Naubusan na ng tinta ang ballpen ko. Bumaba na ang iba sa amin. Gento yung order ng pag-uwi namin...
Kamachille - Dric and company
North Ave - Johann and Eva
Kamuning - Gents and company
Cubao - Mher and company, Jiji and Scal
Ayala - Obi and Gelo
Pasay - Dan and Ayn
* 2:03AM - home sweet house!
(It's weird na hindi pa ko pagod at this moment. Ye, masakit katawan ko pero yung pagod wala talaga. I can't wait for our next climb. Sobrang sulit ang lahat sa trip na ito. Malupit talaga pag maganda ang pagkaka-plano ng lakwatsa!)
*****
Acknowledgement...
Lord God!
(Syempre Ikaw muna. Thanks, Men! Ang lupet ng binigay Mo sa amin... buhay, lakas at kakayahan, kaibigan, pagkakataon, kasiyahan, at higit sa lahat yung mga malulupet na tanawin tsaka etong mundo mismo na napakarami pang dapat i-explore in a lifetime. It was really a humbling experience to see such a wonder that You've created. Salamats ulit... You're the Man!)
Team AIM!
(Good job! I'm so proud of you. Kaming old-timers, kahit papano di pa din tayo kinakalawang mga bok! Yung mga first-timers naman, galing nyo! Pulag agad? Hahaha! I'm looking forward to AIM high for more mountains with you guys! So saan next... Bataan o Pinatubo ulet? Yung mga nagpahiram sa akin ng phone... Ayn and Eva. Dan... para sa i-Pod. Salamats!)
Manong Roger and Chief Mering!
(..and the driver and the guides and all the people that we met along the way and in one way or another have been instrumental for the success of our trip, saludo ako sa inyo kapatid!)
Mommy!
(Sarap ng adobo! You're the best!)
Jeff!
(Salamat sa burner, pre! Nagamit namin ng malupet.)
Conquer (for my bag & apparel), Triton (for my tent), Adidas (for my footwear)!
Globe Telecoms, para sa signal sa taas ng Pulag!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home