Batangenyo Dialect
Nakalimutan ko na kung kanino galing ito but after a nostalgic visit back to my hometown in Lipa a couple of weeks ago (after several years!), patok talaga sakin ito sa laughtrip. Proof na dialect ang Batangenyo! Hahaha...
*****
Airplane Crashes in Batangas
An airplane crashed at a town in Batangas.
MEDIA: Manong, pakilarawan po ang nangyari.
LOLO: Ala eh, nakow, garne ga utoy...
Kakaalmusal ko laang, gayak ako'y sisinsay sa kahanggan, ay natan-awan ko yaan sa alapaap ay nagsisilab.
Bago sumirok ng papagay-on na kala mo'y papatak. Ginagaling na laang at sa sukalang areh sumugba, ay kung sa kabayanan ga, ay di panay mga utas!
MEDIA: Ho?
*****
Vehicular Accident in Batangas
MEDIA: 'Lo, kayo daw po'ng saksi?
LOLO: Ay uwoh! Ika'y pumarne dine sa silong. Kung ako pa naman ang dadais sa iyo para magsalaysay ay sulong!
MEDIA: 'Sensya na po sa abala.
LOLO: Ako'y naka-ungkot laang dine at karakaraka'y ako'y nagitla sa busina.
May mag-inang hasing-hasi pa ng paghihikap ay gab-eng gab-e na! Bakin ga aring dyip ay saksakan ng tulin??? Ay di ako'y palakat na sa mag-inang di naiingli!
Aba'y maiipit na'y naka-umis pa! Kainaman… Hayown!
Sa pag-iwas ng dyip ay sumalya sa tarangka, tiklap ang tapaludung lasa ko'y kawangki ng nilamukos na kiche. Pagkakabugnot ng drayber! Ngalngal e!
MEDIA: Ano raw?
*****
Now here are the words used and what I recall of their meanings... (i'm not sure with those stuffs with "?")
garne = ganito
gayak = bihis
sisinsay = titingin(?)
kahanggan = ?
natan-awan = nakita
nagsisilab = nag-aapoy
sumirok = bumagsak
papagay-on = pa-ganito
papatak = mahuhulog
ginagaling = mabuti
sukalan = forested area
sumugba = ?
utas = patay
pumarne = pumarito
dadais = lalapit / didikit
naka-ungkot = sitting in a stooped manner
karakaraka = maya-maya
nagitla = nagulat
hasing-hasi = nagmamadali
paghihikap = paghihikab
gab-e = gabi :)
palakat = sigaw(?)
naiingli = ?
naka-umis = ?
kainaman = expression of scorn
sumalya = bumangga / tumama
tarangka = compartment(?)
tiklap = tiklop
tapaludo = funnel(?)
lasa = tingin / tantsa
kawangki = ?
kiche = tansan!
pagkakabugnot = pagkaka-galit
ngalngal = reklamo(?)
3 Comments:
AKO, BATANGUENO AKO. PROUD NA PROUD. HAHAHAHA.
"Akoy naka-ungkot laang dine at akoy nagitla sa busina. May mag inang hasing hasi pa ng paghihikap ay gabeng gab-e na, Bakingga aring dyip ay saksakan ng tulin!"
AKo ay nakaupo lang dito at ako'y nagulat sa busina. May mag-inang nagmamadali pang naglalakad kahit gabing-gabi na. Bakit ba naman kasi yung jeep ay sobrang matulin?
"Ay di ako’y palakat na sa maginang di naiingli! Aba’y maiiipit na’y nakaumis pa eh!"
Eh di ako'y sumisigaw na sa mag-inang hindi (ANG HIRAP IEXPLAIN NG "NA-IINGLI." Basta parang kapag hindi nagrerespond ang isang tao, hindi sya naiingli.)
Aba, masasagasaan na eh nakatawa pa eh.
"Kainaman!" --- Expression yan of disbelief.
"Sa pagiwas ng dyip ay sumalya sa tarangka. Tiklap ang tapaludong lasa ko’y kwangki ng kiche !"
Sa pagiwas ng jeep ay bumangga sa gate. Tiklop ang TAPALUDO (part yan ng sasakyan pero hindi ko sure kung ano, wala naman akong hilig dun) na feeling ko'y katulad ng tansan.
"Kabugnot ng drayber, ngalngal eh!"
Inis na inis/Galit na galit ang Driver. NGALNGAL, parang ngawa ng ngawa, salita ng salita, blabber, ganun.
hahaha panalo to men. mabuhay ang Batangas!
miss ko na mga relatives ko sa batangas like sa agoncillo, balete, alitagtag
Post a Comment
<< Home