Mount Cinco Picos - Day 1
Quick Facts:
* Mount Cinco Picos is called Tatlong Tirad by the locals.
* Compared to the nearby Mount Pointed Peak (Bundok Balingkilat) which is at 1,100 meters above sea level, Peak 3 of Mount Cinco Picos, where the campsite of the trek is located, should be around 900-1000 masl.
* The local aetas should rather be called "kulot" for courtesy and they hunt Tatlong Tirad for wild boars, deers, and snakes.
*****
Pictures are available at my Multiply account:
Album 1
Album 2
Album 3
Acknowledgement for the pictures goes to Mandric, Paz, and Ogie!
*****
It was a couple of minutes past 2:30AM when Dan woke me up to prepare for the long day ahead. Naki-iskwater ako sa bahay nila since I can never wake up that early if I'll be sleeping on my own bed at home. We picked up Odie and Ayn before meeting the rest of the team at Rob Summit in Makati.
Team AIM (Akyat I.T. Mountaineers) attendance:
Mandric, Odie, Obi, Dark, Tata, Kher, Paz, Alfie, Vic, Jay, Ogie, Chris, Dan, Ayn
Most of us are IT practitioners (obviously) and either have worked or is working for HP-Phils. Some of the guys have climbed together before. Sayang. Due to the prior postponement of the original trek date because of the last few week's funky weather, maraming hindi nakasama. Originally, those who confirmed numbered at least 24!
We then headed North and after a brief stop somewhere in Pampanga (I was asleep the entire trip), we continued to Olongapo to meet Mike of Team YABAG. He's one of the local contacts for those who wanted to trek the mountain regions around the area - "the man" kumbaga. He accompanied us up to Barangay Cawag (a short trip from Olongapo City) where we hired two "kulot" guides and went on to prep up for the climb.
Here's where I picked up my handy notepad and started scribbling for my journal. Let my entries relive the experiences.
*****
(Entries were taken from my journal in verbatim)
Day 1 - Page 1
* 8:45AM - Cawag Jump Off
(Kinelangan namin bumaba ng sasakyan kasi masyadong malambot yung lupa papasok dun sa Kulot community.)
* 9:20 - Encounter with the Kulot
- Bihis at the shack
- Photo ops
(There's this small shack provided for the mountaineers. Dito namin nakilala yung mga magiging guides namin at yung iba pang mga pamilyang Kulot na nakatira sa paanan ng bundok. Dito na din kami nagbihis. Tatawagin ko na lang na Manong Itim at Manong Puti yung mga guides namin dahil itim at puti ang mga kulot nilang buhok, respectively. Si Manong Itim yung mas bata kaysa kay Manong Puti... obvious naman siguro.)
* 9:30 - Departure
* 9:38 - 1st river crossed
(Dito nasubukan yung supposed water shoes namin nila Dan at Ayn na hindi pa bayad sa credit card haha. Lumusong kami sa tubig ang binti ay nabasa... ngunit ang *toot toot* di pa rin nababasa. Hehe!)
L-R: Obi, Dan, Ogie, Ayn
* 9:57 - Chieftain's house
(As homage to the local Kulot chief, Dan, Mike, and Mandric made a "courtesy call" with him while we waited outside his humble dwelling. Di ko sure kung nakuha nila yung Friendster ni chieftain. Hehe. Ito na din ang last Kulot community na madadaanan along the trail. Anywhere past this is the wilderness alone.)
* 10:04AM - 2nd river crossed
(Eto yung pinaka malaking ilog na dadaanan. Katulad nung nauna, hanggang bewang lang siya sa pinaka-mababaw na daanan. Hanggang dito na lang kami hinatid ni Mike. Ang linaw ng tubig at soooobrang ganda ng paligid. After this, it was the start of the assault to the 1st peak.)
- i-Pod up
- "You'll be Safe Here" by Rivermaya
- Walking ahead, behind lead guide
(Mabato yung unang leg ng trek. Yung trail mismo ay halatang dating daluyan ng tubig dahil madaming crack sa lupa na puno ng bato tsaka may mga mangilan-ngilang dumadaloy na batis along the way. Yung iba, parang spa sa ganda. Imagine terraced rocks with flowing clear water sourcing out of lush vegetations. Tangena, kung kaya lang i-describe ng salita... pero malabo sa sobrang ganda. Ganun kalupet. At this point, naisip ko sabayan si Manong Itim at makipag-daldalan. He was our lead guide while Manong Puti took the rear of our lines.)
* Quarter to 11:00 - Rest
- "Makahiya", ngayon na lang ulit ako nakakita
- "Narda" by Kamikaze
(Almost an hour after the steep rocky climb, we decided to take our first rest of the trek. Upo ako sa damo, lawit dila, sabay sulat sa notebook ko. Ngayon na lang ulit ako nakakita ng halamang "Makahiya" matapos ang ilaaaaang taon na hindi na ako nakakabalik sa bahay namin sa Batangas.)
L-R: Kher, Mike, Odie, Ric, Ayn, Chris, Obi
Day 1 - Page 2
(Natuluan ng pawis ko itong notebook. Matutuyo din yan, sa sobrang init dito.)
* 11:38 - "Kubo" arrival.
- Siopao time!
- 30 minutes break
(Nakarating kami sa "Kubo" sa wakas! Ilang metro na lang ito mula sa 1st peak. May malapit na water source dito kaya eto daw ang designated stop-over point para mananghalian. Dito pa lang barag na kaming lahat. Ako mismo, hindi ko inaasahan na parang disyerto ang lalakaran namin. Ang nasa isip ko gubat na maraming matataas na damo. Makikita ko rin pala ang hinahanap ko maya maya. Sa ngayon, masaya naming binuksan yung mga baon namin dahil anticipated talaga sa itinerary na hindi makakapag luto sa unang assault. Ang baon ko e siopao ng Chowking... at sa sobrang pagod, eto na yata ang piiiiiinaka masarap na siopao na kinain ko sa buong universe!)
(Naghubad ako ng tig limang-libong sapatos *kelangan may presyo, gamahal e* at nagpatuyo ng medyas. Si Manong Itim at Puti naka fried chicken. Fabulous di ba? Tas ako pa-siopao siopao lang. Hehe.)
* 12:30 - Rest ends, resume walk
(O-ha sakto kami sa sinasabi ng itinerary.)
- 3rd river crossing
(It's not really a "river". More like a stream. But it was still a welcome joy to our aching feet to take a dip from time to time. Magandang break siya sa paa na matapos ng mga bato batong daanan e may paunti-unting daloy ng tubig na pwedeng pag tampisawan.)
* 1:30 - Nakaka dalwang bundok na kami
- 4th river crossing
(Bale after the 1st peak, nag-transition lang kami sa kadikit na 2nd peak. Next target daw namin ay yung pangalwang kubo halfway paakyat ng 3rd peak. Sa parteng ito na kami nahati sa dalawang batch dahil irregular na yung mga pahinga ng bawat isa. Dito ko na naramdaman na "bakit ko nga ba ginagawa sa sarili ko itong parusang ito?!?!?" hehe.)
(Tama ba?!?)
First Batch: Manong Itim, Dan, Ayn, Obi, Kher, Alfie, Paz, Odie, Vic
Second Batch: Manong Puti, Mandric, Jason, Tata, Ogie, Kher, Chris
* 2:10PM - 2nd "Kubo" point
- Water trail!!!
- 3rd mountain peak in sight
(Narating naming 1st Batch ang pangalawang kubo. Pero bago yun, dumaan kami sa isang mahabang water trail! Nakita mo naman tatlo pa yung exclamation point di ba. It's a rolling stream enclosed on all sides with all sorts of flora! Dun ka sa tubigan dadaan mismo! Hala, panay exclamation point na!)
(Nagkanda-ligaw ligaw pa kami nila Ayn, Dan, at Odie. Akala namin tutuloy pa din kami ng paglakad sa tubigan e yun pala umakyat na sila Manong Itim papasok ng kawayanan. Dito namin na-develop yung "The Harder Trail Principle"... kapag nawawala ka at mayroong dalawang trail, kung saan mo ayaw dumaan ay doon ang tamang landas. Hehe. True to its meaning, the right trail is towards the bamboo area. Bumalik si Tata galing dun para sunduin kami. I mentally assigned a name to that area... the "Wall of Bamboos".)
* 3:25 - 3rd PEAK!!!
(Astig ang view dun sa taas! Kitang kita ang baybayin ng Subic pati yung Korean company na Han Jin sa paanan ng mountain range. Ang ganda din ng point-of-view mula doon ng katabing Bundok Balingkilat. 15 minutes na lang daw papuntang campsite sabi ni Manong Itim. Sobrang pagod na kami at yung iba e seryosong bugnot na sa hirap. Etong last assault na ito ang pinaka sinumpa ko sa buong trail.)
* 4:00 - CAMPSITE!!
- In view of Peak 5 and Silangin Beach!!
- Pitch tent
(Narating namin ang campsite sa tamang oras na binigay sa itinerary! Ibig sabihin average na mountaineers kami... yahooow! Kulang na lang mag Macarena ako sa tuwa sa pagkaka-baba ng bag ko na naputol ang kanang strap along the way papunta sa Water Trail. Kelangan ko pa mag ala-MacGyver para ayusin ito. Kilala mo ba si MacGyver?? Kanya kanya agad kaming kuhaan ng sulok na pagtatayuan ng tent. Ang ganda ng view sa taas!! Kulang pa ng exclamation point... eto pa!!!!!!! Ayan! Ganyan kaganda sa taas.)
(The campsite's a plateau enclosed by the mountain ranges that connects Peak 3 to the nearby towers of Peaks 4 and 5. From afar is a majestic view of the cloud-topped Mount Balingkilat and just overlooking the cliff is a natural harbour that comprises the Silangin Beach! Its shoreline is actually connected to the more popular Anawangin Beach which was actually behind *from Cinco Picos's point-of-view* Mount Balingkilat.)
The Campsite!
* 4:58 - Batch 2 arrives
(Ang natoka na kasama ko sa tent ay si Mandric at Odie. Halos isang oras na akong nagpapahinga pero tumitibok pa din yung ugat ko sa ulo.)
* 5:36 - Cooking time, everyone settles
(Nag umpisang magluto ang grupo. Nagbihis na din ako ng panlamig dahil gumiginaw na at medyo may pagbanta pa na uulan. Inayos ko na din yung mga gamit ko sa loob ng tent pero nung napalapat yung likod ko sa higaan para akong na-uppercut ni Pacquiao. Knock-out si Obi Doo!)
Day 1 - Page 3
* 6:41PM - Still cooking, umaambon konti
- Nakatulog ako
- Galamig!
(Ayan, as mentioned. Kinumpirma ko pang natulog ako at malamig. Gumuhit si Alfie ng araw sa lupa para patigilin ang lumalakas na ambon. Ginagawa ko din ito nung bata pa ako at sa totoo lang hindi pa ito sumasablay. Tumigil ang ambon dahil sa araw ni Alfie, in peyrnes.)
* 7:32 - Still cooking
- Change battery (i-Pod)
(Nag setup na si Dan ng speakers para sa i-Pod. Tuloy pa din ang lutuan. Gutom na kaming lahat pero mas nangingibabaw pa din ang pagod. Binuksan yung dala kong sangkatutak na tuna at iniluto namin sa itlog. Yub yub!)
* 8:00 - Grub time: Liempo, Bangus Relleno, Papaitan, Tuna with Egg, Kanin
- Cooking continues for Pulutan: Sisig, Lambanog, Granma (Grand Matador), Tang, Pipino
(Piiiinaka masarap na kain ko, in years! Si Manong Puti nagrereklamo kasi dun siya kumuha ng tuna sa "extra-hot" na lalagyan. Sobrang anghang daw. Hehe. Astig ng papaitan. Panalo.)
* 8:45 - Inuman na!
(Nilabas ang alak. Natulog ang hindi iinom. Lumaklak ang mga may gusto. Kasama pati si Manong Puti at Itim. Pina-ikot ang tagay at chaser. Namapak ng pulutan. Ang resulta...)
* 9:25 - Sleeping time!
(Ang aga kong sumuko... mga anim na round pa lang yata tinamaan na naman ako ng straight punch ni Pacquiao. Off to nyu-nyu land!)
L-R: Manong Itim, Danilo, Odie, Vic, Paz, Alfie, Ayn, Kher, Obi
*****
Day 2 to be continued...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home