Blue and Pink
Isipin mo...
Sa isang eskinitang daanin ng tao,
May napadpad... batang may bitbit na bato.
Sadyang palalo o talagang mausisa,
Bato'y nilagay sa gitna ng eskinita.
Isang mama ang agad ay nadapa...
Sugatan ang binti, may galos ang mukha.
Dalawa, tatlo, apat, lima... anim!
Dumami ang bilang ng natalisod sa dilim!
Pinanood lang ng bata ang mga nadapa,
Sa perwisyong ginawa tila nakatunganga.
Hindi tatanggalin ang batong tinangan...
Ang bata... "MMDA" ang pangalan.
*****
Nyahaha. Tangena kasi. May dalawang taon na din simula nang maglagay ng concrete barriers ang mga hinagupak na yan sa kalsada. Sa dalawang taon na nagpabalik-balik ako ng bahay-ESDA-opisina, opisina-EDSA-bahay, hindi pwedeng walang sasakyan na sumasalpok sa mga konkretong yan. Kada linggo meron! Buwenas pa kung isang aksidente lang sa isang linggo. Tyamba na yun.
Nung pang-gabi pa ako, pag trapik ang EDSA, alam ko na agad na mayron na naman kawawang oto na rumampa sa mga pausong island na yan. Dati, elibs pa ko dyan e. Ayos, kasi bagong gimik. Pero puta naman, pag nakita mo nang hindi na epektib at perwisyo na, tanggalin mo na. Namo'y ahente ni Kamatayan ang mga lintek e.
San ka naman kasi nakakita kung hindi nanlilimahid sa dumi ang mga reflector... e kulay BLUE AT PINK. Tangena, hindi mo alam kung bakla o sadyang fashionistang kikay ang mga gago. "Pangkuha daw ng atensyon" para madaling makita. ULOL. Kelan pa naging madaling makita ang BLUE AT PINK sa dilim! May rason tsong kung baket dilaw at itim ang ginagamit na universal colors ng traffic chevrons. At kung napaganda ni BF ang Marikina, hindi naman siya siguro ganun katanga para hindi ma-realize ito.
Ang mariri, dumadami pa ng dumadami ang mga lintek na barriers. Ang pinakahuling pauso ay nilagay sa bandang Cubao-Santolan area. Para mas sumikip ang EDSA. Astig. Ang tatalino nyo!
Wala lang, napag tripan lang namin pag usapan kagabi ito habang bumabagtas kami ng EDSA. Kitang kita mo kasi na panay bungi na yung semento sa dami ng otong sumasadsad dito, pero walang aksyon na ginagawa. Ayaw pa din tanggalin o bigyan man lang ng tamang early warning device. Idol ko pa man din dati si BF dahil akala ko siya na ang "iron fist" na hinahanap kong makakapagpa-bago ng Metro Manila. Kaso parang kulang sa kukote... panay kamao lang.
Kapag marami nang nadadapa sa bato, tanggalin mo na. Para wala nang ibang madapa. Simpleng simple.
*****
Yesterday, we were at this church near Cherry's Fooderama in Congressional Road for Baby Enzo's baptism!
Shak Attendance: Pork, Garrboy!, Hairy Critter, Obi Doo, The Great Maw, Mussolini, Kim, Tatay Kamote, JC, Baby Enzo
Reception was at Max's across Cherry's. Ansarap ng bibingka sa tapat nung simbahan. Yub yub!
*****
Last night, we were at the Megamall for the ingress of entries for the 2007 IPMS-BA National Scale Model Competition. The place was set up after mall hours and I was with Pork, Arvs, Calipher Boy, and Johnny to haul their scale model kits. Miniatures were everywhere! There were ships, aircrafts, tanks, dioramas, and tons of single model figs of sci-fi and fantasy genre. Truly an eye-feast for the geeks and non-geeks alike! Haha.
Detail of the event is as follows:
IPMS-BAC (International Plastic Modellers Society - Bert Anido Chapter)
5th National Scale Model Competition
The Atrium, Megamall Building A
November 26 to November 30
I've already seen most of the entries and I say, this year, the competing kits and figs were better and more interesting than last year's. Spoiler: there's this huge table diorama of around 23 to 27 scale ships of different classes (destroyers, cruisers, aircraft carriers, and submarines)... an entire fleet!
Tambay ako dun this Wednesday and/or Friday. Kita kits!
*****
Saw this in You Tube while I scour it for Mojofly gigs. Soooooobrang cute ni Lougee. Lalo na dun sa isang episode ng Ramon Bautista Show. She grew up reaaaally fine. This is one of my peborit songs of the band. The guitar was too sharp for my taste though and I can see her struggle to sing louder against it.
Lougee... marry me!!! I beg yooooouuuu!!!
*****
New album in my Multiply site:
Oktoberfest 2007 Closing Party (Click Me)
3 Comments:
nakimutan mo obi,
laging sinisisi nung bata yung tumatama sa bato nya :P
wala akong oto kaya wala akong karanasan sa mga dapat at hindi dapat sa lansangan. pero bad trip talaga yang mga color blue at pink na yan. kakaiba to the point of walang kwenta. sobrang palpak
emp: wahaha tangenang yan. oonga no!
miss red: hehe pag ako naging presidente lahat ng kalye gagawin kong violet.
Post a Comment
<< Home