Mount Cinco Picos - Day 2
Day 2 - Page 4
* 5:55AM - Wake up call
- Agahan cook off
- Photo ops
(Nagising ako sa lamig. Hanep sa ganda ang view pag early morning! Muntik ko nang ligawan sa ganda! Kung camera lang ang mata ko, overload na ang utak ko sa kakulangan ng Gigs. Nag umpisa na magluto ang tropa habang abala ang iba sa pag ritrato ng paligid. Ako? Gusto ko lang tumayo at tumitig at lasapin ang oras na iyon.)
- "Down with the Sickness" by Disturbed
(Hinanap ko yung kantang yan sa i-Pod ni Dan. Rock in the morning! Punks not dead! Wooot.)
"Class picture" before leaving the Campsite
* 6:57 - Chowtime!
- Burner malfunction
(Kainan na habang tuloy sa pagluto ng agahan yung iba. Dan's burner suddenly burst into flames. Akala ko hanggang sa bundok sinundan kami ng bombers!)
- "Way Back Into Love" by Haley Bennett and Hugh Grant
(Senti naman. Sabay titig sa malayo. "Iniisip nya rin kaya ako?" Yiiiiiiikeeeeee! Malamang hindi. Waha!)
* 8:35 - Pack up
* 9:45 - Departure from Campsite
- Napigtal na naman ang bag ko
(Bumigay na din yung isang strap ng bag ko. Dalwa na sila! Itinali ko lang para mairaos for the rest of the journey. It was easier trekking downslope anyway.)
* 10:56 - Back to river trail and "Kubo 2"
(Finally made it back to "Kubo 2" at the foot of Peak 3. At this point, we were again separated into two batches. Good thing we have the photographers on our batch! Yahoow. Photo ops gallore along the water trail!)
Day 2, Second Batch. Pag sigaw ko ng "turo" lahat tumuro sa malayo... pati si Manong Puti! Haha... astig! L-R: Manong Puti, Ogie, Jason, Chris, Dan, Ayn, Obi... Dric (not in photo)
Day 2, First Batch: Manong Itim, Kher, Odie, Alfie, Vic, Tata, Dark
Day 2, Second Batch: Manong Puti, Obi, Dan, Ayn, Paz, Chris, Ogie, Jason, Mandric
* 11:28AM - Made it out of the River Trail
- Wall of Spears
- Water trail 2
(The Wall of Spears. Dito kami muntik maligaw the day before.)
* about 20 minutes after - Out of water trail 2
(Sa parteng ito naisip ko kung para san o kanino itong akyat ko. Para may sense of purpose naman. Walk for a cause ba. Eto mga naisulat ko sa notebook ko...
> para kay Mark. Rest in peace, 'tol. Bigla ko naalala na dapat kasama ka namin this Sunday sa party ni DK.
> para kay Pouty. kaka-miss.
> para sa Mom ko. salamat sa lahat lahat!
> for her that God has prepared for me. asan ka man, magpakita ka na... tangena ka, wag kang mag pahintay. wag kang VIP! hahaha.
> for God, of course! thanks sa safety and the experience the climb has been.
Day 2 - Page 5
- Standard Bearer
- Stick with gloves in "ngarat" mode ,,l,,
- Walk with Mandric the Photographer
(May makulit na nangyari dito. Tumigil ako para magpahinga so tinusok ko muna yung wooden staff ko sa lupa, sabay hubad ng kanang gloves para mag-ayos ng bag. Sinabit ko muna yung gloves dun sa staff, habang tinatali ng maigi yung bag ko. Pag tingin ko dun sa gloves, yung dulo ng stick e saktong dumiretso sa butas ng middle finger kaya naka "fuck you" yung itsura nung gloves sa kin. Sa tuwa ko, hindi ko na siya tinanggal. Bumaba na ko ng bundok ng dala yun. Wehe.)
* 12:05 - River crossing
- Dip in photos
(Ang tawag ko dito - strategic positioning. Dikit ako kay Mandric syempre kasi nasa kanya yung camera. Kaya ayun photo ops kami while on the dip.)
* 12:20 - Kubo 1!!!
- Incoming mountaineers spotted
(We reached Kubo 1 again. A new batch of mountaineers were having their lunch there. Probably, having the same itinerary that we followed. They have this "wag na lang kaya tayo tumuloy" look on em. Can't blame them, really.)
* 12:41 - Meet up with Batch 1 on a shaded tree
(Nagpang-abot na kami ng mga naunang batch. Dito kami nagpahinga ng medyo matagal-tagal dahil mga ilang oras na lang at nasa Kulot compound na kami sa paanan ng bundok.)
* 1:14PM - River 1 crossing!
- man-made spa
- canned-goods fest
- swimming
(Finally, naabot na namin yung widest river crossing. Dito kami nagpahinga ng pinaka matagal dahil sa swimming! Nagtalunan kaming lahat sa ilog pati yung dalawang Kulot. Sa bandang malayo may mini landscape na naging natural spa dahil sa lakas ng current. Sa gutom, kinain namin yung mga natitirang de lata... ng hindi luto!)
Posing, Danilo!
L-R: Leandro Baldemor, Jay "Mola" Manalo
* 2:29 - Departure sa river
Day 2 - Page 6
* 2:49 - Last river crossing
* 2:53 - Arrival at Cawag Jump Off
(Natapos din sa wakas. Whether newbie or old-time mountaineer, additional item na naman sa resume namin ito at of course, hindi kayang bayaran yung experience! Nagpakuha kami sa mga Kulot na andun sa Cawag community tapos nagsipag-ligo lang, then umalis na kami.)
(Dumaan kami ng Subic para kumain. Hindi makapaniwala yung mga kasama ko sa dami ng kinain ko. Oo, gutom kami. Pero hindi lang pang-"gutom" yung kinain ko. Haha.)
(Teka, naalala ko... sabi ni Ayn kelangan ko daw isama ito sa blog ko. Along the way to where we ate, naghanap kami ng ATM. Medyo ligaw kami kung san yung ATM ni Dan sa Subic kaya kelangan magtanong-tanong. May nakasalubong kaming isang grupo ng "Ate"... hehe. Ang siste, nag turuan kami ni Ayn kung sino magtatanong. Too late, kelangang ako na ang magtanong dahil ang sama na ng tingin nila sa amin na tila ba isa-isa namin silang isasakay ng pwersahan sa van at gagawing G.R.O. sa Maynila...
Obi: Aaaah... Ate, tanong ko lang kung sana saan yung BPI dito.
*Nag pulong yung mga "Ate" na parang gumagawa ng play sa Basketbol*
*Nag sigawan yung mga kasama ko sa loob ng Van... "binata pa yan si Obi!!"*
Ate 1: Derecho dyan *ngumuso sa kalsada* merong BPI. Lalabas ka ng gate tapos sa may mall sa kaliwa.
*Naka "oo, tama siya"-look yung mga kasama niya*
Obi: *inulit ko yung itinurong direksyon para mas klaro*
Ate 2: San ba kayo pupunta, gigimik?
Obi: Oo eh, wi-withdraw lang.
Ate 2: Eeeeh, sama na kami!
*Sabay tawanan yung mga "Ate"*
Obi: Sige ba, sige balikan namin kayo. Hehe. Salamat ha.
*Sabay harurot ng van*
*****
Thanks goes to...
* Team AIM, of course! Kilala nyo na kung sino kayo!
* Mike B. you're the Man!
* Fluffy for the bag... na pinutol ko ang mga straps!
* Dee Dee for the tent... na pwede magpa-House Party sa loob sa sobrang laki!
* Manong Puti at Manong Itim. Sana next time may pangalan na kayo. Add ko kayo sa Friendster!
* Sa driver ni Dan.
* Kela "Ate".
* God, 'nuff said.
4 Comments:
ganda talaga ng sched ni kuya obi, o! :) *envying*
hehe minsan maganda, minsan it comes to a point that you just want a good sleep naman for a change
hey... Been there too... hmm a year ago... Mike B.. I think I know him as well....
Nice Campsite Pics.. buti di maulan.
thanks! the place is sooooo cool. next time, we might plan on crossing Balingkilat towards Anawangin.
medyo umambon nung gabi ng 1st day namin pero napigilan namin sa pamamagitan ng pagguhit ng araw sa lupa... haha
Post a Comment
<< Home