Merong na nakatambay.

Wednesday, September 17, 2008

Ang Pandesal. Bow.

Last week inabutan ako sa kalsada ng pagdidilig ng bagyong Marce. No choice, hindi na ako makabalik ng opisina. Tambay na lang muna sa tabi tabi. Ganun din naman, mahirap din kumuha ng sasakyan.

Dahil walang mapag-trippan, eto ang naimbento ko habang kumakain ng tinapay. Salamat sa Friss Point, sponsor ng pandesal ko!

Lintek, Ang Mahal
by Obi Concepcion
Herrera Ave., Makati - Sept 8 (9:47PM)


Umuulan.
Wala akong masakyan.
Pabili ngang anim na pisong pandesal.
Inabutan ako ng isa.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Sa langit sumilip.
Gento pala ang Makati pag nakatingala.
Sabay kagat sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Dinaan sa pag-iisip.
Teka, wala na ako sa trabaho ah.
Nag-iisip pa.
Kagat na lang sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Antagal ng jeep.
Basa sa ulan at kumakalam ang tiyan.
Isa pang kagat sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip sa kahihintay.
Mayroon bang dadating?
Huling kagat na sa pandesal.

Lintek.
Ang pagmamahal.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Obi Macapuno: Ang Pandesal. Bow.

Merong na nakatambay.

Wednesday, September 17, 2008

Ang Pandesal. Bow.

Last week inabutan ako sa kalsada ng pagdidilig ng bagyong Marce. No choice, hindi na ako makabalik ng opisina. Tambay na lang muna sa tabi tabi. Ganun din naman, mahirap din kumuha ng sasakyan.

Dahil walang mapag-trippan, eto ang naimbento ko habang kumakain ng tinapay. Salamat sa Friss Point, sponsor ng pandesal ko!

Lintek, Ang Mahal
by Obi Concepcion
Herrera Ave., Makati - Sept 8 (9:47PM)


Umuulan.
Wala akong masakyan.
Pabili ngang anim na pisong pandesal.
Inabutan ako ng isa.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Sa langit sumilip.
Gento pala ang Makati pag nakatingala.
Sabay kagat sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Dinaan sa pag-iisip.
Teka, wala na ako sa trabaho ah.
Nag-iisip pa.
Kagat na lang sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip.
Antagal ng jeep.
Basa sa ulan at kumakalam ang tiyan.
Isa pang kagat sa pandesal.

Lintek.
Ang mahal.

Inip sa kahihintay.
Mayroon bang dadating?
Huling kagat na sa pandesal.

Lintek.
Ang pagmamahal.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home