Pagkaing Kambing
Mahusay! Success yung seafood antipasto ko.
Kagabi, dapat pupuntahan ko tropa ko sa Greenhills para tumambay. Naisip kong wag na muna maglakwatsa. Instead, karipas ako sa grocery sa SM para mamili ng sangkap sa matagal ko nang planong honey mustard dressing. Ayun, pag uwi ko sa bahay niyari ko na agad. Ansarap, men! Natutuwa ako kasi kasing amoy nya talaga yung dressing dun sa seafood antipasto na binibili ko sa salad bar. Tamis-asim! Medyo mas malabnaw lang yung gawa ko pero dinadagdagan lang pala ng extra mayo yun para magka-texture.
Dun ko na rin yun natutunan kung pano kokontrahin yung mga extremes ng lasa. Pag medyo sumobra sa asim, dagdag ng honey. Pag medyo sumobra sa tamis, dagdag ng konting mustard. Pag kulang sa "tang" sa dila yung lasa, dagdagan mo pa ng sibuyas or sobrang konting suka.
Astig nga e.
Ginawan ko din sila Tita 9 at Pinsang Idol kagabi ng extrang dressing. Andito't dadalhin ko sa kanila mamya sa condo after ng gimik ng team namin. Graduation ni Aeron Boy e. Happy happy!! Gusto ko gawan si Pouty, pero alamin ko muna kung trip nya salad.
Sabi ng nanay ko kagabi, "baka talunin mo pa si Juday nyan."
*****
Seafood Antipasto
by Obi Doo
honey mustard dressing:
2 1/2 tablespoon real mayonnaise
2 tablespoon honey
2 tablespoon dijon mustard
1/2 tablespoon cane vinegar
pearl onions
a pinch of salt
a pinch of pepper
*ingredients:
quail eggs
crab sticks
squid
shrimp balls
*salad greens:
lettuce
lollo rosa
* - quantity is as necessary or depending on the amount of servings the honey mustard dressing can accomodate.
preparation for the dressing:
1. mix all the stuffs in a bowl except the pearl onions.
2. whip it good, baby! bate lang ng bate, until you come up with a creamy concoction.
3. you make tikim the sawsawan you made. as mentioned before, you should come up with a tamis-asim taste with a tangy effect on the dila (this is because of the suka). Hehe.. parang taga Assumption magsalita.
4. adjust as necessary if the desired taste is not met. gaya ng nasabi sa taas, gento gawin mo:
> kapag malabnaw = dagdagan mo ng at least isang kutsarang mayonnaise
> kapag maasim masyado = dagdagan pa ng at least one and half kutsarang honey
> kapag kulang sa kiliti sa dila = dagdagan pa ng almost kalahating kutsarang vinegar
> kapag masyadong thick yung mixture = alamin kung ang nagpa thick ay sobrang mayo or sobrang mustard. kung mustard, dagdagan pa ng isang kutsarang mayo. kung mayo, dagdagan pa ng isang kutsarang mustard.
5. some notes on the dressing ingredients:
> ang real mayonnaise ay yung kulay puti lang na mayo. walang halong pickles at ham crumbs. hindi tayo gagawa ng pambaon sa school.
> on honey, mas masaya kung yung pure, unprocessed honey ang gagamitin.
> on mustard, may nabibili na sa grocery na dijon mustards. pero kung wala kayong makitang ganito, malamang hindi pang konyo yung grocery na napuntahan nyo. pwedeng bilihin na lang ay yung mga prepared mustard. eto yung mga regular mustards na nakikita nyong hindi pinapansin sa mga hotdog stands.
> ang cane vinegar ay yung suka na kulay pula. actually, hindi pula. idiomatic expression lang yung "pula". kulay kalawang siya. basta hindi siya yung puting suka na may Datung nakabusangol sa label.
6. after mixing everything up, drop the pearl onions. again, depende ito sa dami ng nagawa mong dressing. pearl onions are these miniature onions just the size of a regular jolens. malas mo lang kung di ka nag jolens nung bata ka. kung wala kang nabiling pearl onions, pwede ring gumamit nung white sibuyas. chop it to small cubes and put into the mixture as mentioned.
7. mix again, then refrigerate. this is best served cold.
preparation for the other ingredients:
1. ilaga mo lang lahat: quail eggs, crab sticks, squid, shrimp balls. sabi ng nanay ko dapat konti lang ang tubig para hindi malabsak ang pagkaka-laga. kung ano ang ibig sabihin ng "malabsak", don't worry... hindi ko rin alam.
2. balatan ang quail eggs. gayatin to strips ang crab sticks. chop the shrimp balls into halves. remove the squid's head and tentacles. di natin siya gagamitin. ipakain kay lolo. slice the squid into thin parts.
3. itabi lang muna. pwede namang hindi bumili ng lahat ng ingredients na yan. hindi yan sapilitan. pwedeng kahit at least two of the stuffs mentioned lang.
preparation for the serving:
1. on a plate, cut the lettuce and lollo rosa to serving sizes. teka, lollo rosa nga pala ang tawag dun sa parang pechay na kulay violet. kasama siya palagi sa mga salad. meron nito sa mga konyong grocery.
2. kunin yung tinabing sahog. arrange them around the salad greens as preferred. ako, mas gusto ko nasa gitna yung mga itlog ng pugo. walang pakelaman ng trip sa parteng eto.
3. ilabas yung pinalamig na honey mustard dressing at ibuhos sa salad mix.
Enjoy!!
*****
Antipasto - any of various different foods served at the beginning of an Italian meal. It literally means "before food" in Italian. Also called "antipasti".
3 Comments:
single ka pa rin ba o nakabingwit na? manchicks naman tayo minsan!
bibihira lang ang aunthentic italian restaurant dito sa pinas, bka gusto mo mag open ng isang italian restaurant.
nasubukan mo na ba sa galileo sa mandaluyong, sarap ng italian food doon.
jai: bwiset! haha.
iskoo: asteeeg. matignan nga yan.
Post a Comment
<< Home