Brown Men Can't Jump
We have this mini basketball league every Friday sponsored by our employer. Our team (HP-GRAD) has just had our first lost earlier this evening... by only three points. Sayang. Pero oks din lang kasi lamang naman kami sa pang-aasar. Sandamakmak na alaskador ba naman mga teammates ko. Sira ang araw ng mga kalaban e kahit panalo sila.
Team Hewlett-Packard GRAD
Four wins and one loss na ang standing namin. Still, contending for Championship pa din naman.
Sa basketball team namin para lang kaming naglalaro ng Chinese garter or jolens sa kanto. We joke around and tease a lot kahit nasa hardcourt na, and that's one of the big factors that make us standout in the league. Nakangiti kaming naglalaro habang sila e hindi na mabilang ang bilbil sa noo sa sobrang seryoso. Siguro they just wanted the Championship that bad. Sa akin, the essence of success in sports is not by grabbing every single award on the game but on how you've actually enjoyed playing. We might lose the entire season, but we'L have shitloads of fun and crazy memories. They might snatch the Championship trophy, but they'L damn bleed for it. Ano gusto mo, enjoyment or pride?
Winning is just for the egotist.
On a second thought, kung basketball ang bumubuhay sa yo or sa family mo e pucha magseryoso ka nga, makipag-balyahan ka kada game. Maniko. Manuhod. Manuntok. Mang-headbutt. Mag-mura ng mag-mura kahit may nakatutok na nationwide-broadcast na camera sa yo. Tignan mo si Jawo. Yan ang spirit!
Astig maging iba.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home