Merong na nakatambay.

Friday, August 31, 2007

Moving On

Welcome "Ber" Months! Langya, ambilis bilis ng araw... ayaw magpa-awat. Literally going on da move, here be my anticipated lakwatsa for da coming weeks!

* Tomorrow (September 1) @ McDonalds-MacArthur Highway, Marikina
It's my inaanak's first birthday, Ethan Leyva! Ang kyut kyut, nag-mana sa ninong... ang kumontra may sapok.

Happy Birthday, Ethan!

* October 24 to November 4 @ Bangkok, Thailand
It's scheduled! Me and Fluffy are currently scouring our contacts for cheaper flights and packages. The cheaper it can get, the more moolah we'za gonna splurge! Accomodation and food are not a problem since Fluffy has lots of connections there and worked on the Thai capital for quite some time. I'm already practicing my basic Thai... "yim waan kaah!", sabay kindat... sabay ilag sa sampal. Wahooow!

* October 6-7 @ Cinco Picos, Subic, Zambales
Wow. The Justice League-HP wanderlust is back in full swing! The Flash contacted me this morning with a mountain climbing offer at Mount Cinco Picos (Tatlong Tirad to the locals) in Zambales. Sino ba ako para tumanggi?

Two of the peaks...

* September 15 @ Pansol, Laguna
Our team here in the office set some get-together activities for that day.

* September 4, 6, 13, 18, 25 and October 2 @ our office, Makati
Management and Leadership Development Workshop by Brainworks Asia Consultancy.
(sarcasm) Wooot! This should be fun, fun, fun! (/sarcasm)

Si Monkey holding his banana.
Siya ang pinalit ko kay Bunny as official Mascot ng desk ko sa office.

Bunny in Starbucks-Harbour View, bago ko siya ipa-ampon.
Miss ko na siya... pati yung bago niyang amo. Sniff.

* October 13 @ Amoranto Stadium, Quezon City
Kalis 7.0 "Tip of the Spear" Open Airsoft Competition. Our team (Screaming BB's) might join the annual event.

Thursday, August 30, 2007

Viaje al Norte

Sa Shak na ako tumambay simula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga para sa roadtrip namin papuntang La Union. The original plan was to leave the Metro by Saturday so we can still have time to hike up to Baguio. But, the Ork we are, uncoordinated decisions and sudden turn of events delayed the departure a day more. Kaya ayun, tambay muna kami sa Shak the whole morning... walang tulugan.

As I always say, "Sleepin' is a waste a'time... ye'all get 'nuff of that when yer dead."

In the end, dalwa lang kami ni Jep na natirang matibay at gising hanggang sumunod na araw. He's playing this game in PSP while I rack my sleepy brain in a game of Bookworm on his laptop. Inabutan na kami ng gising nila Pork... pinag-timpla kami ng kapeng hindi ako pinatulog sa unang quarter ng byahe papuntang Norte.

Naka-hirit ako ng malupit na tulog noong mga nasa bandang lampas Mabalacat na kami. Simula dun, paputol-putol na yung tulog ko. As usual, the guys took the longer routes, choosing to pass by the crannies of the rural spots than the busier national highways. Mga dinaanan naman e yung mga kalsadang mas patag pa ang craters ng buwan, meron ding kalsadang palayan at damuhan ang magkabilaang sides at ilang milya pa ang susunod na sibilisasyon, at syempre hindi mawawala yung paborito naming "short cut" papuntang Tarlac City kung saan matatanaw yung "Jake's Boob Tit Mountain".

So named dahil nung una kaming tumigil sa spot na ito two years ago, nakita niyang hugis boobs na may tits yung isang parte ng bundok. Simula nun, peborit na naming stopover spot yung area na iyon. Wala pang masyadong dumadaan at malilim sa katanghalian (sobrang dilim lang sa gabi).

Mount Jake's Boob Tit 2005

Mount Jake's Boob Tit 2007

Gabi na kami dumating sa La Union. Si Manang Caretaker ang inabutan namin pati yung dalawang asong parang Hush Puppies pero mukang mga hotdog at german franks sa taba. JP showed us around then we had dinner before goofing the rest of the night.

The ancestral house is of the typical Spanish era archetype. Sabi ni JP, tumigil pa daw ang mga Hapon dito bago nila sinunog yung orihinal na bahay bago sila umatras laban sa mga Amerikano. The original foundations of the old house was what was left from the ordeal but the rebuilt version still looked a classic architecture. May lumang simbahan sa likod nila, just outside the boundary of their walls. Yung harapan ng simbahan ay restored to modern design pero yung visible parts nito galing sa point of view ng bahay nila JP ay yung original walls na partly in ruins at tinubuan na ng lumot.

The Church Ruins

Alas kwatro na kami ng madaling araw natulog ng gabing yun... or umagang yun. Naglaro pa kami ng mga laruang dala namin. As usual, zombie na naman ako. Pinaka mahabang tulog ko pa lang na nagagawa noong araw na iyon ay dalawang oras.

Kinabukasan, pagtapos ng isang malupit na agahan by Manang Caretaker, tumakbo na kami sa beach! It was a very uncommon sight that there were no waves worth surfing that time. It's La Union, dude... Luzon's surfing capital, but the sea's at peace nung dumating kami. Still worth the dip!

Ika nga ni Raymund Marasigan, "I just wanna be on the beach... sunburn!"

Matapos ko makalunok ng ilang litro ng maalat na tubig dagat, bumalik na kami sa bahay. Dumaan kami sa mga kamag-anak ni Pork habang nagbabayad si JP ng "ayuntamiento"... para sa mga indio, "buwis sa lupa" ang ibig sabihin nito.

Kumain lang kami ng agahan sabay humarurot na ulit kami pauwi. Marami pang "shortcuts" ang naghihintay sa amin. Lunch is at this bar in San Fernando, Veterans of Foreign Wars (VFW). Maliit na bistro lang siya at panay matatandang kano ang kumakain at mga escort nilang "native beauties"... ahuhuhuy! Presyong kano din ang mga pagkain pero wala akong nakitang espesyal sa menu nila.

Dumiretso na kami pauwi at nakarating sa Shak ng alas nuwebe para abutan ang sandamakmak na tropang nag-aabang ng grasya para sa pakain ni Arvin. Birthday niya. Wala pa siya noong mga sandaling yun. Unti-unting nagdatingan pa ang iba. Jampacked na naman ang Shak.

Attendance: Jason Phatboi, Jumping Johnny, Chilly Arvin's, Lalakeng Joy, JC, Obi Doo, Marlou, Jake Pookiemonster, Captain Inferno, JP's Bro, The Riderman + Bebop, Jep + GF, Fluffy, Pork

Grub: pasta al dente con Madcup Mushroom, Burgoo's fried chicken with fries & cheese sticks, Burgoo's spare ribs, hotdog lots, cox, cox light, vodka

Taena, hirap ng cameraman... laging wala sa ritrato.

Topics:
* call center tox as the calldudes (Joy, JC, Carlo) traded smalltox about pursuing a career on that line. obi still not impressed with call center work as a career.
* boyz goofed around with Joy's gynormous balloon sword. obi no pictures with it. laments!
* JC popped the vodka. obi wanted a swig but thought better not to. impending work the next day still a priority.
* Out of Topic rant: (I just saw my payslip just now) TANGENANG TAX yan! Sana maka-graduate ng POVEDA at ATENEO yung mga anak ng mga Senador at Cabinet Members na pinapa-aral KO sa pamamagitan ng mga tax na ito.

Anyway... moving on...

Hindi ko na alam kung sino pang iba ang dumating sa Shak. Inaantok na talaga ko + sabog pa sa byahe. Kaya umuwi na kami ni Great Maw. Pag dating ng bahay, ganun din... alas dos pa rin ng madaling araw ako natulog.

*****

More pictures at my Multiply site...

Wednesday, August 22, 2007

Status Report for Weekend (August 18-20)

taena, para akong gumagawa ng report sa trabaho ah.

Saturday
* after work, tumambay kami sa Fortress sa Viramall. naka dalawang Super Taro Choco ako at isang Chicken Plato Wraps bago naisipang kumain ng mga boyz sa Yoshinoya.

* dumaan muna kami kay Mang sa Pit Stop sa Araneta Avenue para kuhain yung mga binili naming babasahin.

* tumuloy kami ng Shak. nagpabili ng ilang banyerang hotdog si Arvin. sinamahan ng ilang hotdog buns at sandamakmak na crinkles. hotdog nights at da Shak.

* naglaro kami ulit ng Magic cards (yung card game na pandemonyo daw sabi sa mga walang pumapansing "concerned" citizens).

Attendance: Pork, Mayor, Obi, Johnny, Jason, JP, Arvs, Fluffy

latest assembly & waiting to be painted... M113A2 Armoured Personnel Carrier (right)

Sunday
* tanghali na ko nagising... as usual. nagkulong ako sa bahay. ika nga ng bayaw kong gulat na gulat, "ikaw ba yan?!? bakit wala kang lakad??"

* nagbasa ako ng libro. natapos ko na sa wakas yung "God Emperor of Dune", "Hordes: Primal", at yung bagong biling "Angels of Death: 2nd Edition Codex".

* nagpintura ako ng mga laruan ko.

* nag-assemble din ng iba pang laruan pagkatapos.

* nakipag laro sa mga kambal.

* wow. ang hyper hyper at super exciting ng araw ko! !! !!! !!!!

Commander Adept Nemo, Cygnar Warcaster (detail-painted in 4 hours)
medyo malabo... ang mag reklamo, mag donate ng N95 sa akin!

Monday
* tanghali ulit ang gising. pinilit ko sana tumayo ng maaga para mag jogging, pero ayaw ng bagyong Egay. may pahabol siyang hangover.

* pumunta na lang kami sa Glorietta ng hapon kasama ang pamilya. advanced birthday bash para sa utal ko (babaeng "utol"). kumain kami sa North Park, treat ko.

Happy Birthday Bonski!!!

* bumili ako ng hikaw na silver, bagong libro sa "Dune" series (pero gawa na ng anak ng original na author kasi dedo na siya), at super glue.

* nanood kami ni Sponklong ng "Rush Hour 3".

* nag-tingin ako ng laruan sa Lil's, pero walang nung hinahanap kong tanke. olats.

* ang jologs nung kasunod namin sa linya. naka kontodo konyo porma, pero parang taga iskwater ang bunganga. wala lang, gusto ko lang siyang bigyan ng atensyon sa blog ko. para hindi lugi.

si Liz (yata) yung nasa kaliwa, si Lei (yata) yung nasa kanan

* binilihan namin ng pagkain sa KFC sila Cheng. pasalubong.

* pag dating sa bahay, sinimulan ko na basahin yung susunod na librong naka schedule sa akin: "Heretics of Dune". goodluck ulit sa kapal.

Tuesday, August 21, 2007

Ikatlong Nagmamadaling Oras

Rush Hour 3
Spoiler Alert! Spoiler Alert! Spoiler Alert!

Lee and "7-11" (his mouth's open 24 hours) is back and crazy as ever.

A summit was held in L.A. regarding the key to the dissolution of the largest crime gang, the Triad. The Chinese Ambassador heads the exposition but there was an assassination attempt in his life even before the summit commenced. Lee, acting as VIP security then, chased the assassin and somehow Carter got tangled up with the ruckus as well.

Their investigations led them to a contact person in Paris and the duo flew to France to follow up with the case. They eventually uncovered an age old tradition amongst the members of the Triad - the Xie Chen(?). Whoever holds the Xie Chen, will have the key to knowing the important personalities involved with the criminal organization. But getting their hand to the Xie Chen wasn't easy as they discovered that Lee's brother, Kenji, was actually a member of the Triad and charged with looking after the Xie Chen.

The Xie Chen manifested in the story on a French stage actress Genevieve (the Xie Chen list actually tattooed on her bald nape). By some twists in the story, the duo was able to recover Genevieve and uncover another Triad big boss - their very own contact in Paris, Varden Reynard. Before totally sacking the case close, however, Kenji abducted the Chinese Ambassador's daughter, Soo Yung, and asked for an exchange with Genevieve.

Carter disguised as Genevieve and went with Lee to meet with Kenji for the exchange in the Eiffel Tower. Of course, fierce action scenes ensued and by the end, the L.A.P.D buddies were able to save Soo Yung and solve the case of the Triad's Xie Chen.

The whole film is basically short at almost only one hour and a half but it was packed with a fast paced plot and a hillarity that is a trademark of the "Rush Hour" series. I am a fan of the first two films and comedy-wise, this would top the second "Rush Hour". I was literally chuckling most of the time (as I refrain from laughing out loud in cinemas as much as possible).

One should be able to predict how or when some of the jokes will be delivered. This is a bad thing for most comedic movies, but the thing with Chris Tucker is that he can make an impact out of his delivery that no matter how you anticipate it, you'll still can't help laughing your arse off. With Jacky Chan, well... if a Chinese kungfu actor singing (or trying to sing) a line of "The Closer I Get to You" while riding a swing doesn't appeal to your funny bones, then I don't know what will. The overall hilarity of the movie boarders on what you've already experienced on the first two prequels BUT it's still so so enjoyable, nonetheless.

The plotline is fairly simple and frankly, a bit lacking. Lacking in fact that after watching the movie, I was like... "Eh? That's it?". My sis, bro, and bro-in-law was into the same reaction that I was convinced that yes, it's not because I enjoyed the movie so much that I was looking for more... it really was lacking more. The story's transition to its climax was flawlessly developed but the finale was so abrupt and out of synch with the entirety of the film.

On the casts, well it's a comedy movie with two of the main roles in focus for the entire film so you din't need much invest on casting bigger stars for the supporting roles. In that sense, Jacky and Chris proved that they still have the chemistry to pull off the old tricks they did on the first two "Rush Hour" movies. I observed, however, that Chris Tucker might have been given a bit more "air time" here in "Rush Hour 3" but the idea of the Lee-Carter team up was there all the time.

Don't set your expectations too high when watching the movie. As I said, it is your typical "Rush Hour" movie with those typical "Rush Hour" antics in that typical "Rush Hour" storyline. But one thing for sure: their same old formula will make you laugh.

Seven gulamans.

Friday, August 17, 2007

Zero Nine One Seven Four

It was a very nostalgic evening last night when I treated my "cousins" Mae and Joy for dinner at Dencio's - Paseo Center. Although not my real blood-cousins, they had been very close to me during the late years of my college and Mayatot even called me "cuz" na din. They're actually first cousins of Ning, a classmate back then and my "she-who-got-away"... my regret. I so loved her and I know it was sort of unfair for the other ladies that have been a part of me but Ning was a real-life model of what I want on a girl.

Biro niya nga dati sa akin malabo na daw ako makakakita ng ganun dahil nag-iisa lang siya.

True enough. Hehe. I've moved on now (of course! antagaaaal na kaya nun) and my preferences have changed a bit but our memories still brings an unsolicited smile on my face... whether dahil sa katangahan ko noon or sa mga masasayang moments ko with her kahit papano. She's married now with two cutey kids and I'm so so happy with what become of her life. I'm really really proud of her.

And so the night went on, I passed by Mae's office and we went straight to Starbucks first while we waited for Joy who'll be dropping by from Ortigas. Kwentuhang malupit. I haven't had the chance to hangout with these guys and "talk" for the last four or five years so the catching up won't be that quick.

It felt weird na dati ang "nene" pa ng mga batang 'to and now they've got careers of their own AND we were actually talking about OUR careers. Astig. Feel ko tumanda na naman ako by a notch. They still lived in the same house where I used to "hatid" Annette in Binondo and god, I miss the place. I wish I could drop by again some time. Maybe grab me some chinky girls or two... haha.

Syempre, napansin na namang pumayat ako. Chubby kasi ako nung college. Pina-cute na term ng "MATABA". Hahaha.

Pinakita ko sa kanila yung text messages sa akin ni Ning noong college pa kami. Humihiram pa siya ng celphone kay Joy noon. Hindi pa kasi commodity ang celphone. N5110 lang ang phone ko nun at yun ang pinaka-matagal kong naging celphone. Si Joy pa mismo ang naglagay ng lettering ng name niya sa phonebook ko noon kaya nagulat sila na hindi ito nabago sa cel ko hanggang ngayon... parang gento: =$>?*Y<$= (special characters yung iba, pero tinatamad ako maghanap ng ASCII equivalent).

Hindi ko akalain din na tatagal yung text messages ni Annette ng ganito (June 2000 ang pinaka-matanda!). "Naipit" na kasi yun sa mga SIM messages ko simula ng nagkaroon na ako ng cel na sa phone memory na napupunta ang mga text messages. Sobrang tagal na din kasi ng Globe number ko. Pareho kami ni Joyski. "0917-4" pa! Eto yung second batch ng simcards na nilabas ng Globe noon, second only sa mga "0917-9".

Pinakita pala sa akin ni Mayatot yung picture ng peborit kong kapatid ni Joy, si Shobe. She's the lil cutey kid I used to play with when I was in their house. Ang laki niya na ngayon! Dalaga na. I can't imagine I was running around with her when she was just a kulit toddler. Argh... tumanda na naman ako even more!

Ang tagal naming inubos ng pagkain. Pre-preho kasi kaming mahina kumain, or siguro dahil na din sa dami ng kwentuhan namin. It was nice to keep in touch again. Sayang, nakalimutan ko magkukuha ng pics. We called it a night exactly just before the Egay aftermath poured. Nakisama.

Tuesday, August 14, 2007

Doc Atotobski

ogosto sampu
pagtapos ng tarbaho, dumaan muna ako ng Lil's Hobby Shop sa Glorietta. bumili ako ng pangalwang M113 scale tank sa koleksyon ko. na-assemble ko na kasi yung una kong binili. astig naman kinalabasan, awa ng Diyos. after ko matapos buoin itong pangalwa, at least anim pa ang kailangan kong magkaroon at buoin pa ng buoin.

M113A1 Fire Support, Australian Variant
Modified the turret gun with an Autocannon barrel from a GW Predator

the insanity never ends. pipinturahan ko pa sila, isa-isa. ganyan ka-boring ang buhay ko.

ika-walo ng gabing yun, sa shop ng tropa sa Virramall. dumating akong may bitbit na Super Taro Special na kina-aadikan ko lately. madami-dami din ang tambay noon. siyempre ang mga mainstay: si Hairycritter, si Bangkok Boy, si Sharkman, at si Little John. naglaro lang kami ng tao-tauhan hanggang magsara yung mall tapos dumaan na kami kela Cranky para i-abot yung mga tao-tauhang pinag-usapan namin.

nakita pa namin malapit sa Connecticut si MILF Hunter at ang kanyang berdeng Bunny Mobile. sinigawan ko nga e. "Pakyumo bigtime!". lalaro daw siya ng airsoft sa Sunday. ako, hindi.

sa Mien San kami kumain. "para maiba" naman. ika nga nung konyo sa Glorietta that night, "duhhh?". sandamakmak na dumplings, congee, at tofu ang order. pero ako, stick to peborit... chopsuey rice. it gives you the façade of living/eating a healthy life. wala lang. gusto ko lang talaga gamitin ang salitang "façade" sa entry ko ngayon.

tambay kami sa Shak afterwards.

"para maiba".

alas dos na kami umuwi. hinatid ako ni Pookiemonster and his trusty navigator, Pork. we took da looong way, para roadtrip. ikot kami mula Que Ave hanggang Quiapo hanggang Mabini sa Malate. napag-usapan namin yung mayor na epal na nagpalunkot sa Baywalk. Wag lang hindi makakontra ang hinagupak. ang Malate ngayon, parang Martial Law. alas tres na halos pero kada sulok may buwayang de batuta at naka blue. mascot ata ng Manila Zoo. baka makotongan pa kami kaya iniliko na agad namin sa Pasay Taft. kahit naka-pikit ako alam kong nasa Libertad nako, suot na suot sa sinus ko yung amoy ng nanggigitatang palengke.

ibinababa na ko nila Great Maw. pero didiretso pa daw sila ng Serendra, The Fort. sabi ko, astig dun ngayon. maraming artistang nagsusuntukan sa kalsada ng ganung oras. i-pusta ako ng isandaan in favor of Borgy, sabi ko. para may pang-meryenda ako bukas.

ogosto labing-isa
tanghali na ako nagising. literally. dahil tanghalian na.

inabangan ko lang sumayaw si Maja Salvador sa Wowowee, tapos nagbihis na ko para rumampa. tahimik sa Fortress that day. yun pala, nakela Kim ang mga hinagupak. tumambay na lang kami nila Crispy at Le Croissant. sabay bili ng Super Taro Special. lintek. ang mahal. pero sige bili.

there was a declaration of Lentil Night at da Shak. so pagsarado ng shop, diretso kami kela Hairycritter para magluto ng panghanda... Pork Lentil Stew. teka, si Crispy lang pala nagluto. nanood lang kami ni Jacob ng Discovery at umupak ng samu't saring sausages galing sa ref nila Arvs. "fridge" na lang pala para mas konyo.

we had hungarian, chicken, and this German sausage that I forgot the name. sabay upak na din sa choco cookies na pakalat kalat sa kusina nila. wala pang Lentil Nights busog na kami ni Le Croissant. sabay dating ni Pookiemonster. woohoow! hindi na kelangan mag-drive ni Hairycritter. dumiretso na kami sa Shak bitbit ang Rhino ni Jake.

Lentil Night!

Attendance: Joma, Jumping Johnny, Lacson, Topher, Jep, Pork, Kaptin Klepto, JP, Crispy, Mayor Tengco, The Great Maw, Obi Santibañez, Phatboi

bumili kami ng pandesal ni Jacob at siyempre ang tubig ng Shak... Coke! the one true beverage! inupakan ng bayan ang stew ni Arvs. panalo. kami ni Johnny at Jep e kinalikot namin yung dala kong isang kahong Magic cards. eto yung larong pandemonyo daw sabi ng mga concerned parents at mga epal ng simbahang Katoliko. pero tinignan ko ulit yung mga katabi ko, naisip ko... baka nga tama sila. bwahahaha. bumuo kami ng mabilisang deck tapos naglaro, habang si Plim e busy sa installation ng "Halo" sa laptop niya. si JP at Joe masama ang tingin ke Jacob... ang sumagasa sa kanila sa Cthulu RPG to oblivion.

eto ang makulit:
habang nagkakasiyahan ang lahat, bandang alas dos ng umaga. may komosyon sa labas, sabay may bumagsak na malaking tipak na bato sa open space ng Shak. takbuhan kaming lahat sa kalsada. ako na ang pangalwang pinaka-maliit sa grupo at 5'7" and 145 pounds na ako. think about it. kahit sino yatang siga sa Kamias e manlalambot ang puso pag nakita ang tumpukan naming lahat. mahirap na. baka madamay sa batuhan yung mga oto ng Shak boyz na nakahilera sa labas kaya responde kami.

turns out, ang binatong bahay e yung katabi ng Shak. kela Doc Atotobski. notorious nang me kalembang sa utak ang mga taong nakatira dito. local eye doctor sila na walang lisensya ang klinik. nasa kalsada na kami ng lumabas yung matandang punggok na kapatid ni Doc Atotobski. masama ang gising at pupungas-pungas pa. sino daw ang bumato sa kanila?

sinabi namin na nagtakbuhan na pababa ng kalye yung mga bumato. iika-ikang lumakad itong si Atotobski Junior papuntang Baranggay. pagbalik, kasama niya na yung mga tanod at ipinahuhuli kaming lahat. kunin daw mga sedula at records namin! bwahahahaha! nagkatinginan na lang kaming lahat sabay LOL at ROTFL. kitang kita niya daw kami na bumato sa bahay nila. e ang peste, nagkukusot pa ng mata sa antok nung lumabas ng gate nila. may pagtataka sa diwa ng mga tanod. kahit mukha kaming mga bagong laya sa Muntinlupa, propesyonal kaming lahat at may magagandang background sa buhay. hindi sila maniwala kay Atotobski Junior. ang ulyaning matandang may kalembang sa pag-iisip ay hindi mapayapa. "the natives are restless!" ika nga sa isang sikat na quote sa Shak logs.

nagbubunganga pa din siya. kaya pumasok na kaming lahat sa Shak para ituloy ang kanya kanyang trippings. hindi ko na alam kung pano nila nagawang mapayapa ang ulyaning punggok na matandang may kalembang sa pag-iisip. baka tinira ng tranquilizer.

umuwi ako bandang alas kwatro ng umaga.

ogosto labing-dalwa
hapon na ako umalis ng bahay para tumambay.

nasa UP-Fine Arts si Sharkman at Hairycritter. susunod ako sana doon pero paalis na din daw sila papuntang Greenhills, sabay nagtext pa si Junbacca na nasa tambayan din siya. so doon na lang ako dumiretso.

as usual, Super Taro ulit ako. naiinggit ako ke Jubay at John Liit e. inabutan kong naglalaro ng tao-tauhan si Doc Lance tsaka utol niya. bago sabay sabay nang nagdatingan ang mga iba pang tambay. kwentuhan lang kami. anything, under the roof. tuloy ang exhibit ng IPMS sa November pero sa Megamall na at hindi sa Trinoma. may date na din ang roadtrip ng tropa sa Norte kaya dapat na ako magpaalam dito sa opisina.

diretso kami sa Shak pagsara ng mall. "para maiba".

kumain kami nila Pork. may tira pang Lentil Stew from the other night. pero niyari na lahat ni Pol at ni Karlo para maubos na. may dalang mga motorcycle magazines si Karlo. naaakit na naman ako bumili ng sarili kong motorbike. kahit anong delikado nito, mas maangas pa din ang tingin ko sa motor kesa sa oto.

alas dos ng gabi ng umuwi kami ni Riderman at ni Bebop (motor niya). second chance ko itong makasakay kay Bebop. astig. the ride was fun as usual. we're at least 80-90kmh in C5! wahooow! papatayin ako ng nanay ko pag nalaman niya ito. hahaha. from one end of C5 to the other... Libis to Bicutan!

angas ng pakiramdam ng kalayaan sa motor. wish I could have a Bebop of my own soon.

*****

New picture albums on my Multiply account:
Da Shak Christmas Leftover Party
Random Shak Nights Shots

Tuesday, August 07, 2007

Sixes

I've been tagged by Doc Aion!!!

[Each player of this game starts with 6 weird things about themselves. People who get tagged need to write a blog of their own 6 weird things as well and state the rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says you are tagged in their comments and tell them to read your blog.]

I know I already did this before and sigurado ako kulang ang anim sa mga ka-weirdohan ko. Lagay ko na lang yung Top Six! Haha.

-- My primary hobbies are on different extremes of the spectrum... the geeky "miniatures toy painting/scale modelling" and the jocky "airsoft combat simulation".

-- I have this pillow that I'm using since birth! It's so worn out it has to be re-cased several times over. Ang pangalan niya ay "Unan Baho" kasi palagi ko siya naiihian nung baby pa ako.

-- I collect table napkins with the establishments' names printed on it. For several years now, they're still bunched up on a corner of my room and just kept on accumulating but really haven't had the chance to be put on an album or a display case or something.

-- I don't eat tomatoes and nuts/almonds are my enemies! Don't put em on my chocolates!!

-- I'm so effin mushy inside despite how scruffy I look and how carefree I appear.

-- Mas inaantok ako sa rock music kesa sa mellow kaya mas epektib na pampatulog sa akin makinig ng rock bago matulog. Rakenrol baby!

I'm passing this on to Ati Ten, Mam Katia, Koya Larr, Boss Gelo, Idol Dario, Nanay Marga, Darth Vader. Nakow lumampas yata ako sa anim.

Thursday, August 02, 2007

Eighteen Seventy Seven

Nitong Sabado na lang ulit ako naging ganun ka-barag sa alak. Salamat sa Solera 1877 Brandy na bitbit ni Julius. 1.75 litro sa limang tao sa loob ng hindi hihigit sa apat na oras. Ubos! Actually, apat at kalahati, kasi babae naman yung ika-limang karakter namin at hindi gaanong mataas ang tagay sa kanya.

Attendance: Obi Doo, Boss Vic Jon, Abdul Ayo, Julius Pandak, Pareng Jay, Mareng Deng, B2 Alfie (hindi ko na alam kung sino pang iba ang dumating dahil knock out ako)

Naki-hitch ako kay Juls papuntang Bulacan. Nagkita kami sa Galle. Pag dating sa bahay nila Jon, paalis ang may bertdey. Ayus. Iniwanan lang kami ng pananghalian. Pagtapos kumain, nag setup na kami ng videoke sa garahe at inumpisahang maghanda ng kung anik anik para sa sisig. Sila lang pala. Nagbasa lang ako ng FHM habang nagpapakahirap sila. Teka, nagtimpla pala ako ng chaser na apple juice. Mahirap din yun ah.

Alas tres pa lang ng natapos ang lahat. Masama ang tingin sa amin nung 1.75 litrong brandy na nakahilata sa lamesa. Nagpa-amboy pa yung tinimplahang sisig na mainit pang umuusok sa tabi nung brandy. Ayun, hindi kami naka-tiis. Binuksan ang alak at inupakan ang sisig. Pinagulong ang tagay at pinapak ang pulutan!

Pag dating ng mga alas sinko, bumagsak ng biglaan ang ulan. Cloud seeding man o dahil sa sama ng boses namin sa pagkanta, ipinasok na lang namin yung videoke at sa sala itinuloy ang ligaya. Naubos ang higanteng alak in no time. Pangiti-ngiti akong bumagsak sa kutson na nasa sahig. Hindi ako lasing, hihiga lang (walang lasing na umaaming lasing siya). Ginising ako ni Ayo. Tara daw mag-banlaw.

Inamoy ko sarili ko. Hindi naman ako amoy sabon para magbanlaw. Yun pala ibig sabihin niya ay beer naman daw upakan namin. Ako nga pala nangakong sasagot sa isang case. Inabutan ko ng pambili si Ayo sabay humiga ulit. Kinaladkad ako para tumayo pero sadyang mabigat ang pinagsama-samang timbang ko, pinapak kong sisig, at tinungga kong alak na parang Yakult. Ayun, sumuko din siya.

Maya maya narinig ko na ang boses ni Boss Vic. Hindi man lang siya nakatikim ng painom namin para sa kanya kaya nakuntento na lang sila sa beer. Alas dose na nang subukan nila ako ulit gisingin. Lahat ng klaseng hila, yugyog, kaladkad, at alog ang ginawa nila sa akin pero hindi ko mautusan ang katawan kong maging chillax lang. Hindi ako tinantanan ng mga hinagupak.

Sa kaka-alog sa akin, pati tiyan ko tuluyan nang umikot. Bago ko naramdamang umaakyat pabalik ng daigdig ang mga kinain ko't ininom, nagkusa na kong bumalikwas papuntang lababo. Sabay tawag ng uwak. Uwak! Uwak! Uwak! Uwak!

Nagkalat sa lababo yung sisig... may hindi pa natutunaw. Haha. Pasintabi sa mga kumakain.

Pagtapos ng lahat medyo nawala amats ko. Kaya bumalik na ko makipag happy happy sa kanila. Beerhaws kami pagkatapos. Kinabukasan (Linggo na ito), dumiretso na ng Baguio sila Juls. Ang plano ay sasama dapat ako sa kanila pero bangenge pa ko hanggang sa maka-alis sila. Sumama na lang ako kela Jon papunta kila Talet sa Antipolo para bisitahin yung inaanak ko.

Galing Antipolo, sabi ko idiretso nila ng Galle para kumain kami. Treat ko na lang. Barag ang cash ko kaya nag Pizza Hut na lang kami para pwede credit card. Galikot ni Ethan. Gumawa na lang kami ng strategy. Kakain muna ako at si Abdul Ayo habang bantay ni Boss Vic ang bata. Tapos si Ayo naman ang bantay na susunod, tapos rotation na.

Matapos sa Galle, humiwalay na ko sa kanila. Dumiretso ako ng Fortress, shop ng tropa ko sa Virramall. Andun ang karamihan ng tropa. Pa-gabi na rin yun.

Attendance: Dadang, Raymund, Doc Lance, Fluffman, Timberwolf, Pork, John Liit, Arvs, Obi da Gyne, Joan, Ate

Medyo nainip ako sa pag tambay kaya bumili lang ako ng Taro Taro sabay tinignan yung mga laro sa arcade. Olats, wala yung peborit ko nung college. Bumalik na lang ulit ako sa tambayan at nakipag bolahan pa ng mas marami.

After store closing, dumiretso na kami ng Shak, nag ambagan para bumili ng sandamakmak na corned beef at tuna para pagsaluhan sa hapunan. Tumambay lang kami hanggang lumalim ang gabi tas umuwi na din kami ni Arvs... hiniram ko ang PSP niya.

Eto, hanggang ngayon hindi ako makapag pintura ng maayos dahil sa lintek na PSP na ito.

*****

My lightest point so far @ 144lbs (naka pants and shoes pa!)
Taken last month at Tita Nine's place
.

May nakakalat na weighing scale sa bahay nila Jon. I stepped on it and registered at 149 pounds. Grabe. When I went to Sydney I was at 165. Ang laki na pala ng pinayat ko. I can't seem to get it when I look at myself in the mirror. Parang, I lost that much?? I can feel it though. Ang gaan ng katawan ko sa basketball and I don't tire much. I even have to punch a new hole on my belt.

Badminton games were scheduled later for me and some of my mates here in Makati. I often mock at badminton being a "gay sports" (pardon on being sexist) but lately I would take on everything that will keep my mind occupied and my body breaking sweat.

I still do dumbbell routines when I can and jog when I have time on weekends. Point is, all these for something I can't tell exactly why. This is not me. I rarely care to what my body will look like. Pero ganun talaga e. Parang gusto ko na lang biglang magkaron ng bagong ako.

Angas.

Obi Macapuno: August 2007